Huling namataan ang typhoon Carina sa layong 290 km Northeast ng Itbayat, Batanes.

Ibig sabihin malapit ito sa bandang extreme northern Luzon.

Ang lakas ng hangin ng bagyong ito ay umaabot sa 155 km/h malapit sa gitna at ang pagbugo ay nasa 190 km/h.

Inaasahan itong kikilos pa-northwest sa bilis na 25 km/h at patuloy na pinapalakas at hinihila ni bagyong Carina ang habagat.

Itinaas na ang Tropical Storm Signal no.2 sa Batanes habang signal number 1 naman sa Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan sa Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana at Gonzaga.

-- ADVERTISEMENT --

Ganundin sa northern portion ng Ilocos Norte sa Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg at Adams.