Patay ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos malunod habang naliligo sa isang sapa sa Barangay Dassun, Solana Cagayan

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima sa alyas na “Butch,” isang Grade 6 pupil at residente ng nasabing barangay

Ayon kay Solana Chief of Police Lt. Col. Stanley Banan, kasama ng biktima ang dalawang kalaro na sina Jacob, 11, at Art, 10, nang mangyari ang insidente.

sinabi ni banan na base sa kanilanG imbestigasyun, tumalon sa tubig si Butch at sinubukang lumangoy ngunit agad siyang tinangay ng malakas na agos hanggang sa malunod

Agad na humingi ng saklolo sina Jacob at Art sa mga residente na nakatulong sa pag-ahon sa katawan ng bata.

-- ADVERTISEMENT --

Mabilis na dinala si Butch sa Solana Rural Health Unit at kalaunan ay inilipat sa isang pribadong ospital sa Tuguegarao City, subalit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Samanatala natagpuan din ang bangkay ng limang taong gulang na lalaki nalunod sa Pasil, Kalinga matapos ang halos 12 oras na search and rescue operations.

Ayon sa ulat, pasado alas-9:00 ng umaga noong Martes, Setyembre 30, nang tangayin ng malakas na agos ng ilog ang bata habang naliligo kasama ang kanyang mga kalaro sa Pasil River, Barangay Cagaluan, Pasil.

Agad na ikinasa ang malawakang paghahanap ng mga Search and Rescue (SAR) teams mula sa Pasil at iba pang bahagi ng Kalinga at Nagpatupad din ng river watch sa kahabaan ng Chico River habang nagpapatuloy ang operasyon.

Dakong alas-8:37 ng makita ang katawan ng bata ng mga mangingisda sa bahagi ng Gatab, malapit sa Damsite sa Barangay Bantay, Tabuk City.

Patuloy namang pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na magdoble-ingat sa pagligo o pagtawid sa mga ilog lalo na ngayong panahon ng tag-ulan kung saan mas malakas ang agos ng tubig.