Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki dahil sa pagkalunod nang mapunta sa pang matatanda na swimming pool sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ang biktima na kinilalang si Alyas Gavino, residente ng Brgy Santor sa bayan ng Baggao ay nasa isang resort kasama ng pamilya at ilang kaanak upang magsalo-salo.

Ayon kay PCpl Jeramile Soller, imbestigador ng PNP-Gonzaga, na batay sa CCTV footage sa resort ay unang nakita na kasama ng batang biktima ang dalawa pang bata at isang nakakatanda na nasa pangbata na pool.

Subalit naiwang magisa sa pool si Gavino nang umalis ang dalawang bata at kasamang magulang.

Ilang minuto lamang ay napunta ang biktima sa gilid ng pangmatandang pool hanngang sa bigla itong tumalon sa 6 feet na lalim ng pool na dahilan ng kanyang pagkalunod at hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Soller na sa mga oras na iyon ay naka-break ang lifeguard ng naturang resort habang ang magulang ng bata ay nasa dagat na kampante sa anak na kanyang ibinilin sa kanilang mga kaanak.

Samantala, wala pang pag-uusap sa pagitan ng may-ari ng resort at pamilya ng biktima para sa posibleng pagsasampa ng kasong civil liability ng resort