
Kailangang sumailalim muna sa hurisdiksyon ng korte si Batangas Representative Leandro Leviste bago siya makapagpiyansa, ayon sa Department of Justice.
Sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pag-aresto o boluntaryong pagsuko sa korte, lalo na’t nasa France ngayon si Leviste.
Ito ay kasunod ng arrest warrant na inilabas ng Makati court laban sa kongresista kaugnay ng umano’y paglabag sa Public Service Act.
Nakatakda naman sa ₱72,000 ang piyansa para sa kaso.
Ayon sa DOJ, hindi pa napapanahon para pag-usapan ang posibleng aksyon sa pasaporte ni Leviste dahil wala pa umanong court order o kundisyon na nagbibigay-daan para kanselahin ito.
-- ADVERTISEMENT --










