Binigyan ng proteksyon ng Senado si Senator Ronald “Bato” dela Rosa laban sa posibleng pag-aresto matapos ang mosyon ni Senator Rodante Marcoleta.

Sa naturang hakbang, inilagay ng Mataas na Kapulungan sa ilalim ng proteksyon ng institusyon si dela Rosa kasunod ng mga ulat hinggil sa umano’y arrest warrant laban sa kanya.

Wala pang inilalabas na detalye ang Senado kung hanggang kailan mananatili ang naturang proteksyon at kung ano ang eksaktong saklaw nito.

Nauna nang naiulat ang mga tensyon sa loob ng Senado kaugnay ng presensya ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at mga usapin sa posibleng pag-aresto kay dela Rosa.

Patuloy namang inaasahan ang pormal na paliwanag mula sa mga awtoridad hinggil sa mga naging kaganapan sa loob ng Senado.

-- ADVERTISEMENT --