Isiniwalat ni political analyst Atty. Jesus Falcis na umugong ang balitang nasa paligid lamang ng Senado si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa noong nakaraang Miyerkoles, Pebrero 4 upang sumuporta sakaling natuloy ang kudeta laban kay Senate President Vicente Sotto III.

Sinabi ni Falcis na malakas ang ugong noong nakaraang linggo na lilitaw sa Senado si Dela Rosa pero hindi naman ito natuloy.

Binanggit pa nito na maaaring nakahadlang sa paglitaw ni Dela Rosa ang naging pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may kopya siya ng arrest warrant laban sa senador mula sa International Criminal Court (ICC).

Hanggang ngayon, wala pang lumilitaw na kopya ng arrest warrant.

Ibinida rin kamakailan ni Interior Secretary Jonvic Remulla na alam ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Dela Rosa pero hindi maaresto dahil wala pang warrant mula sa ICC.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Falcis na base sa mga nakalap niyang impormasyon, nag-aabang lamang ang ibang senador na makita ang 12 pirma para mapalitan si Sotto, bago bumaligtad.