
Muling itinanghal bilang Overall Champion ang Bayan ng Amulung sa Cagayan Provincial Athletic Association (CPAA) Meet 2026 matapos manguna sa kabuuang medal tally ng palaro.
Ito na ang ikaapat na magkakasunod na pagkakataon na nakamit ng Bayan ng Amulung ang kampeonato, patunay ng patuloy na husay at dedikasyon ng kanilang mga atleta at opisyal.
Samantala, nagtapos bilang Overall 1st Runner-Up ang Bayan ng Sta. Ana, sinundan ng Bayan ng Lal-lo bilang Overall 2nd Runner-Up, at Bayan ng Solana bilang Overall 3rd Runner-Up.
Ginanap ang CPAA Meet 2026 sa Camalaniugan Sports Complex, Camalaniugan, Cagayan mula Enero 7-10, 2026 na dinaluhan ng 28 munisipalidad ng lalawigan ng Cagayan.









