TUGUEGARAO CITY-Hindi na palalawigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Baggao, Cagayan na nagtapos kahapon , Enero 30, 2021.

Sinabi ni Mayor Joanne Dunuan, balik na sa Modified General community quarantine ang Baggao simula ngyong araw sa kabila na muling nadagdagan ang confirmed cases.

Ayon sa alkalde, mula sa 35 na kaso ay umakyat ito ng 41.

Gayonman, sinabi niya na ito ay resulta ng isinagawang aggressive mass testing sa 496 na residente ng Baggao.

Sinabi niya na inaasahan na nila na tataas pa ang nasabing bilang dahil sa may hinihintay pa na resulta ng specimen ng mga sumailalim sa swab test.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, tiniyak ni Dunuan na kaya na nilang kontrolin ang pagtaas pa ng kaso ng covid-19 kaya hindi na palalawigin ang MECQ.