TUGUEGARAO CITY-Pangalawa na ang bayan ng Baggao sa may pinakamaraming bilang ng mga aktibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa probinsya ng Cagayan.
Batay sa datos na ibinahagi ng Provincial epidemiology and Surveillance Unit o PESU- Cagayan, umabot na sa 115 ang kabuuang bilang ng mga naitalang nagpositibo sa virus sa naturang bayan.
Ito’y matapos makapagtala ang Department Of Health ng 13 bagong kaso ng Covid-19 mula sa Baggao kung saan umabot na sa 58 ang mga aktibong kaso.
Mula sa nasabing bilang ng mga aktibong kaso, 16 ay galing sa Brgy Dalla, 12 sa Tallang, walo sa San Jose; tig-lima sa brgy. Agaman proper at Santor, apat sa Remus, dalawa sa Sta Margarita at tig-isa sa Brgy. Hacienda Intal, Bitag, Barsat East, Taguing at Alba.
Sa ngayon, nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Brgy Tallang habang zonal containment strategy ang Zone 5, 6 at 7 sa Brgy Dalla kasama na ang Purok papaya at kalamansi ng Bry. Remus.
Samantala, nangunguna pa rin ang lungsod ng Tuguegarao sa may pinakamaraming naitalang kaso ng nakakahawang sakit na may kabuuang bilang na 841.
nasa 121 ang aktibo habang mahigit 700 ang nakarekober at 12 ang nasawi dahil sa virus.
Sa buong probinsya ng Cagayan, nakapagtala na ang DOH ng 1,553 na kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit kung saan 1,306 ang gumaling, 223 ang aktibo at 24 ang namatay matapos tamaan ng sakit.