Idineklara ng drug cleared municipality ang bayan ng Enrile, Cagayan matapos makapasa sa masusing pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Mayor Miguel Decena Jr. ng Enrile, 20 barangay ang drug cleared na sa nasabing bayan habang 2 barangay naman dito ang drug free.

Hindi aniya naging madali ang ginawang hakbang ng local government unit o LGU upang makuha ang deklarasyon na ito dahil maraming interventions.

Kabilang sa mga interventions na ito na pinondohan ng P6.5Million ay ang pagbibigay suporta sa mga programa ng PNP, paggawa balay silangan kung saan dito dinadala ang mga drug personalities para sa kanilang rehab.

Bukod dito ay mayroon ring skills development center at nabigyan sila ng pagkakataon na maturuan at mahasa pa sa mga bagay kung saan sila magaling upang magbigay pag asa sa kanila para ayusin ang kanilang buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Sinali rin ang mga ito sa mga disaster responders kung saan tumutulong sila sa pagreresponde sa tuwing may kalamidad upang mabago ang kanilang imahe sa komunidad.

Sa ngayon ay nagtapos na ang 30 drug personalities sa pakikipagtulungan sa TESDA at nagkaroon rin sila ng oportunidad na mabigyan ng pabahay at mapabilang sa livelihood program ng LGU.