Sinuspinde ng De La Salle-College of Saint Benilde o DLS-CSB ang klase at trabaho sa Manila campus nitong Huwebes bilang pag-iingat matapos maiulat ang isang banta.

Agad na ipinatupad ang suspensyon, habang nakikipag-ugnayan ang school security officials sa mga awtoridad.

Nagsagawa rin ng security sweep sa campus at ipinatupad ang mga safety protocol para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at empleyado.

Ayon sa paaralan, ligtas ang campus at ang mga miyembro ng komunidad nito.

Hinimok naman ang lahat na manatiling kalmado at umasa lamang sa mga opisyal na channel ng paaralan para sa beripikadong impormasyon.

-- ADVERTISEMENT --