itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating health undersecretary Beverly Lorraine Ho bilang bagong president at chief executive officer ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Pinalitan ni Ho si Dr. Edwin Mercado na itinalaga naman ni Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Health o DOH, kasunod ng pagbibitiw ni dating Health Secretary Dr. Jose Brix Pujalte.

Bago ang kanyang pagkakahirang sa PhilHealth, naging chief healthcare officer si Ho ng Ayala Healthcare Holdings Inc. Dati rin siyang undersecretary ng DOH at kabilang sa mga opisyal na humarap sa publiko para sa kagawaran noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Naging bahagi rin siya ng PhilHealth Board bilang alternate representative at chairperson ng Benefits Committee.

Nagtapos si Ho ng medisina sa University of the Philippines at kumuha ng master’s degree in public health sa Harvard T.H. Chan School of Public Health.

-- ADVERTISEMENT --