
Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng fuel subsidy sa mga mangingisda sa Batanes upang makatulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon sa BFAR, 198 na mangingisda mula sa iba’t ibang bayan sa Batanes ang nakatanggap ng tig-P3,000 na fuel subsidy.
Kasabay nito, nag-turn over din ang ahensya ng 19-meter fiberglass vessel na may kasamang fishing equipment at maliliit na catcher boats para sa mga mangingisda sa Sabtang Island.
Nagbigay rin ang BFAR ng 18 fiberglass fishing boats, fishing gear, at chiller tanks upang mapahusay ang pangingisda at pag-iimbak ng huli.
Ayon sa ahensya, layunin ng programa na mapagaan ang gastusin ng mga mangingisda at mapalakas ang kanilang kabuhayan.
-- ADVERTISEMENT --










