
Naglabas ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng bagong kautusan na magpapalakas sa pangangalaga sa pangingisda ng alimasag o blue swimming crab.
Sa ilalim ng Fisheries Administrative Order No. 277, nilimitahan sa 500 metro ang kabuuang haba ng lambat na maaaring gamitin sa bawat operasyon upang mabawasan ang aksidenteng pagkakahuli ng mga marine mammals at iba pang protected species.
Ayon sa BFAR, layunin din ng bagong polisiya na matiyak na makatutugon ang industriya ng alimasag sa mga pandaigdigang pamantayan sa sustainable fishing, kabilang ang mga rekisito ng Estados Unidos, habang pinoprotektahan ang kabuhayan ng mga mangingisda at yamang-dagat ng bansa.









