TUGUEGARAO CITY-Umapela ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 2 sa mga mangingisda na itigil pansamantala ang paghuli sa isdang ludong.
Ayon kay Dr. Milagros Morales, Regional Director ng BFAR-Region 2,ito ay para matulungan ang kanilang ahensiya sa hangarin na maparami ang bilang ng nasabing isda.
Naiintindihan aniya Ng kanilang ahensiya na kailangan din ng mga mangingisda ang pangkabuhayan lalo na at napakataas ang presyo ng nasabing isda ngunit mahigpit din ang pangangailangan ng ahensiya na mapadami ang bilang ng isda.
Ito ay dahil posibbleng maubos ang mga ito kung hindi titigil sa paghuli lalo na ngayon at panahon na ng kanilang pangingitlog.
Aniya, bagamat mayroong ginagawang pag-aaral ang ahensiya para mapataas ang bilang ng ludong, kailangan pa rin ang tulong ng mga mangingisda dahil sila ang nakakapunta sa katubigan ng Cagayan river.
Sa ngayon, batay sa monitoring ng BFAr ay umaabot sa P5,000 hanggang P6,000 ang isang kilo ng nasabing isda.