TUGUEGARAO CITY-Isinailalim sa 14-day Zonal Containment Strategy ang Bureau of Fire Protection (BFP) Don Domingo sub-station sa lungsod ng Tuguegarao matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019(Covid-19) ang ilan sa kanilang mga personnel.
Batay sa executive order number 6 series of 2021 na nilagdaan ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, nagsimula ang zonal containment nitong ika-walo ng Enero na magtatagal hanggang ika-21 ng kaparehong buwan.
Nabatid na walo sa mga personnel ng nasabing tanggapan ang nahawaan ng sakit na kasalukuyang nasa isolation unit.
Bukod dito, isinailalim din sa 14-day Zonal Containment Strategy ang ilang bahagi ng Zone 6 at 7 ng Brgy. Caritan Centro na nakapagtala ng pitong kaso ng virus.
Sa executive order no.5, nagsimula ang zonal Containment noong ika-11 ng kasalukuyang buwan na magtatagal hanggang ika-24.
Sa ngayon, mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga owtoridad katuwang ang mga brgy. Officials sa mga entry at exit point ng mga nasabing lugar para matiyak na nasusunod ang mga nakalatag na protocols kontra covid-19.