
Inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na maghahain ang ahensiya ng reklamo laban sa maraming opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa alegasyon ng pandaraya sa bidding sa pagbili ng fire safety equipment, na sinasabing nakakatanggap ang BFP ng P15 billion na kickback bawat taon.
Sinabi ni Remulla na ang unang 20 na matataas na opisyal ng BFP ang unang sasampahan ng kaso sa susunod na linggo dahil sa pandaraya sa bidding sa pagbili ng fire trucks at iba pang equipment.
Sa pagtaya ni Remulla, nakakatanggap ang BFP ng mahigit P15 billion taon-taon mula sa mga negosyo sa bansa.
Isiniwalat niya na ang pagsita sa pagbili ng fire extinguishers na nagkakahalaga ng P30 million at sprinkler system na nagkakahalaga ng P70 million na sinabi niyang masyadong mahal, kung saan ibinenta umano ito ng mga opisyal ng BFP sa management sa isang gusali sa Quezon City.
Dahil dito, sinabi ni Remulla na sinibak niya ang opisyal ng BFP Quezon at isa pa mula sa BFP National Capital Region kaugnay sa P30 million extinguishers.
Idinagdag pa ni Remulla na kabilang sa iba pang opisyal ng BFP na plano niyang idawit sa kaso ang suppliers ng equipment na kanilang binili at ang madalas na target ay ang small- and medium-scale businesses.
Sinabi pa ni Remulla na may nagsabi umano sa kanya na isang malapit na kaibigan na nakatanggap ng P1.5 million ang BFP chief sa bawat naibentang fire truck.










