Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na ng bansa si Mylah Roque, asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na nakalabas ng bansa si Mylah sa kabila ng mayroong outstanding arrest order laban sa kanya mula sa QuadComm matapos siyang ma-cite in contempt dahil sa kabiguan niya na magpakita sa ginagawang imbestigasyon sa mga krimen na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Sandoval, umalis ng bansa si Mylah noon pang September 3 at ang kanyang Immigration Lookout Bulletin laban sa kanya ay inilabas noong Sept. 16.

Samanala, una nang sinabi ng BI na wala silang na-monitor na lumabas ng bansa si Atty. Roque.

Gayonman, iginiit ni House public order and safety chairperson and Laguna lawmaker Dan Fernandez na hindi matatakasan ng mag-asawa ang accountability.

-- ADVERTISEMENT --