TUGUEGARAO CITY-Balak umano ng mga malalaking kumpanya na wala naman sa grains industry na mag-import ng palay para sa seed testing
Sinabi ni Rowena Dalicon,national convenor ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement o PRISM na hindi na lamang kasi bigas ang maaaring angkatin kundi maging palay sa ilalim ng Rice Tarrification Law
Nangangamba ang grupo dahil sa posibleng makapasok ang mga sakit mula sa palay na aangkatin dahil sa hindi na umano dadaan ito sa pagsusuri ng National Food Authority
Samantala,sinabi ni Dalucon na hindi dumaan sa masusing pag-aaral ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Rice Tarrification Law
Binigyan diin niya na ito ay dahil sa hindi naman pinakinggan ang panig ng mga nasa grains industry at mga magsasaka na higit na maaapektuhan sa nasabing batas
Nabatid na ang PRISM ay binubuo ng grains retailers, seed growers at mga magsasaka