Simula nang pumasok ang taon 2025 ay sunod-sunod na ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na ikinakadismaya ng mga motorista, partikular na ang mga pampublikong sasakyan, kung saan muli na namang magpapatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa, magpapatupad sila ng malakihang dagdag presyo na P1.65 sa kada litro ng gasolina, P2.70 sa kada litro ng diesel at P2.50 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

Ito na ang ikatlong taas presyo sa mga produktong petrolyo simula pagpasok ng taon 2025.

Ang ipapatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag presyo na P0.80 sa kada litro ng gasolina at kerosene habang P0.90 naman sa kada litro ng diesel.

-- ADVERTISEMENT --