Sasalubungin ang mga motorista ng big-time rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa four-day trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS), sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na magkakaroon ng malaking bawas sa presyo ng langis sa susunod na linggo.
Ayon kay Romero, asahan ang oil price rollback na P1.40-P1.70 per liter sa gasolina, P0.90-P1.20 per liter sa Diesel, at P1.50-P1.70 per liter sa kerosene.
Sinabi ni Romero na ang bawas sa presyo ng langis ay dahil sa buil-up ng commercial crude oil stockpiles sa US, ang plano ng OPEC+ na itaas ang kanilang output sa buwan ng Abril, ang ipinapatupad ng US na trade tariff sa Canada, China at Mexico na lalong nagpapalawak sa trade conflicts.
Iaanunsiyo ng mga kumpanya langis sa Lunes ang opisyal na price adjustments, na ipapatupad naman sa araw ng Martes.