Nakatakdang magpatupad ng dagdag presyo sa petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, kung saan asahan ang P2.10 kada litro ng diesel.

Sinabi ng Seaoil, PetroGazz, Shell Pilipinas, at Caltex na tataas din ng P1.50 at P1.20 per liter ang gasoline at kerosene batay sa pagkakasunod.

Una rito, sinabi ni Rodela Romero director of the Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau na tumaas ang presyo ng langis dahil sa impact ng Hurricane Rafael sa US na nakaapekto sa output.

Binanggit din niya ang naantalang plano ng OPEC+, na binubuo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at allies na pinapangunahan ng Russia, na dagdagan ang oil production sa susunod na buwan.

Sinabi niya na nakadagdag din sa oil price hikes ang paghina ng piso kontra dulyar, ang dagdag na premium sa purchase ng petroluem products at freight cost.

-- ADVERTISEMENT --