Isinilang ang hindi pangkaraniwang biik sa Barangay Pal-ew, Tanjay City, Negros Oriental.

Ito ay dahil ang mukha nito ay kahugis daw ng mukha ng isang tao.

Ayon sa uploader na si AJ Bantayan Cardinas, ang nasabing biik ay may katulad ng mga mata at ilong ng isang tao.

Sinabi pa ni Cardinas, hindi ito ang unang pagkakataon na nanganak ang kanilang alagang inahing baboy ng kakaiba sa karaniwang biik.

Ayon sa kanya, noong una na panganganak ng inahin, may isang biik na mayroon umanong pakpak.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, namatay ang biik matapos ang apat na oras matapos ipanganak dahil sa hindi napasuso ng inahing baboy.

Kaugnay nito, sinabi ni Cardinas, simula nang manganak ang kanilang inahing baboy ng mga biik na may kakaibang katangian, itinuturing ng pamilya na suwerte ito dahil nakabili umano siya ng bagong cellphone at baka.

Batay naman sa pagpapaliwanag ng mga eksperto, ang mga kakaibang hugis ng mukha ng ipinapanganak na mga hayop ay karaniwang deformities na nakadepende sa pag-aalaga sa pagbubuntis ng inahin.