
Tumaas sa 41 ang bilang ng mga barkong Chinese sa West Philippine Sea ngayong unang linggo ng Enero mula sa 20 noong unang linggo ng Disyembre, ayon sa Philippine Navy.
Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, mga barko mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN), China Coast Guard (CCG), at Chinese maritime militia (CMM) ay naitala sa mga sumusunod na lugar:
–Bajo de Masinloc: 8 (2 PLAN, 3 CCG, 3 CMM)
–Ayungin Shoal: 14 (6 CCG, 8 CMM)
–Escoda Shoal: 13 (3 PLAN, 6 CCG, 4 CMM)
–Pagasa Island: 6 (4 CCG, 2 CMM)
Patuloy ang tensyon dahil inaangkin ng Beijing halos buong South China Sea, kabilang ang mga bahagi na inaangkin ng Pilipinas at iba pang bansa.
Binigyang-diin ng gobyerno ang paggamit ng terminong West Philippine Sea upang palakasin ang pag-angkin sa teritoryo.
Noong 2016, pabor sa Pilipinas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa Hague laban sa mga claim ng China, ngunit hindi ito kinilala ng Beijing.









