Umaabot sa 907 families na binubuo ng 2,972 individuals ang evacuees sa lalawigan ng Cagayan bunsod ng mga pagbaha dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Crising.

Ilang mga residente ang isinailalim sa pre-emptive evacuation habang ang iba naman ay lumikas matapos na magkaroon ng mga pagbaha sa kanilang lugar.

Ang mga ito ay mula sa 16 na bayan na apektado ng nasabing bagyo.

Samantala, sa datos naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), hindi pa rin madaanan ang ilang tulay sa lalawigan dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa ilang ilog bunsod ng malakas na pag-ulang dulot ng bagyong Crising.

Kabilang sa mga hindi madaanan ng mga sasakyan ang overflow bridges sa Brgy Mocag, Bagunot, San Isidro Taytay Bridge, Tallang at Bitag Pequeño Bridge sa bayan ng Baggao.

-- ADVERTISEMENT --

Nananatili namang impassable ang Nagtupacan Hanging Bridge habang 2-3 wheeled vehicles lamang ang pinapayagang dumaan sa Cabaggan Bridge sa bayan ng Pamplona na kapwa nasira pa noong Tropical Cyclone Marce.

May ilang lansangan rin ang binaha sa bayan ng Gattaran, Baggao, Lallo at Gonzaga.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang monitoring ng mga kinauukulan kaugnay sa epekto ng bagyong Crising.