TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 6,930 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-9) sa Rehiyon Dos.

Ito’y matapos makapagtala ang Department Of Health (DOH)-R02 ng 74 na bagong kaso ng virus, kahapon, Enero 26, 2021.

Dahil dito, umabot na sa 863 ang aktibong kaso ng nakamamatay na sakit sa rehiyon kung saan may pinakamaraming aktibo ang probinsya ng Cagayan na may 440 sinundan ng Isabela na 380, Santiago City na 32, siyam sa Nueva Vizcaya at dalawa sa Quirino.

Nasa 71 naman ang bagong nakarekober kung kaya’t umakyat na sa 5,937 ang mga gumaling sa rehiyon.

Sa ngayon, umabot na sa 124 ang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ng dalawang bagong namatay dahil sa virus.

-- ADVERTISEMENT --