Inihayag ni Commo Roy Vincent Trinidad, PN’s spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), na wala pa ring nakikitang paghupa sa aksyon ng China sa WPS sa kabila ng napagkasunduan na e de-escalate ang tensyon sa pagitan ng China at PH.
Aniya, bagama’t wala paring nakikitang paghupa sa ginagawa ng China ay napansin namang bahagyang bumaba ang bilang ng mga barko ng China kumpara sa nakalipas na buwan.
Bukod dito ay ipagpapatuloy rin nila ang kanilang mga RORE mission, maritime air surveillance flights at pananatilihin ang integridad ng national territory sa West Philippine Sea.
Ang lahat ng mga ito ay nakaakibat sa rules of engagement at international law, at ang mga aksyon ng Chinese Communist Party sa West Philippine Sea.