Bumaba ang bilang ng mga nagpakasal noong 2023 kumpara noong 2022.
Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 414,213 na kasal noong 2023, bumaba ng 7.8% mula 2022.
Ipinapakita nito ang pag-shift ng mga Pilipino sa cohabitation o magsama kaysa pormal na kasal.
Batay sa National Demographic and Health Survey noong 2022, 19% ng kababaihang 15-49 taong gulang ang nakatira na kasama ang kanilang partner
Mas marami rin ang ipinanganak na bata mula sa hindi kasal—842,728 kumpara sa 605,794 mula sa mga mag-asawang legal na kasal.
Pinakarami ang mga kasal sa Pebrero, sinundan ng Disyembre at Hunyo.
Nanguna ang CALABARZON sa bilang ng kasal, habang ang BARMM naman ang may pinakamababa.
Ang civil weddings ay 42.9%, Roman Catholic 31.4%, at iba pang relihiyosong seremonya 23.5%.
Nanatili ang karaniwang edad ng pagpapakasal sa 28 para sa babae at 30 para sa lalaki.
Nagpapatuloy pa rin ang insidente ng maagang kasal kung saan may 12,630 babaeng menor de edad na nagpakasal noong 2023.
Kaugnay nito, sinabi ng Commission on Population and Development (CPD) ang pangangailangang suportahan ang lahat ng uri ng pamilya.