Mas mataas na ngayon ang bilang ng mga naitalang nasugatan sa Region II dahil sa paputok sa pagsalubong ng taong 2020, kumpara noong nakaraang taon ayon sa Department of Health.
Ito ay matapos na makapagtala ang DOH RO2 ng kabuuang biktima ng paputok nitong Sabado, na siyang huling araw ng monitoring ng ahensya ng mga firecracker related injuries na nagsimula noong December 21, 2019.
Ayon sa DOH, mas mataas ang bilang ng mga firecraker related injuries ngayong taon sa rehiyon ng 103 porsyento kumpara noong pagsalubong sa 2018 na umabot sa 33 na kaso lamang.
Karamihan sa mga nasugatan ay mula sa lalawigan ng Cagayan na may 29 kaso at sinundan ng Isabela sa 27 kaso habang napanatili ng Batanes ang injury-free sa pagsalubong sa bagong Taon.
Pinakamarami naman ang nabiktima ng kwitis na 18, 15 dahil sa luces at 5 sa pagpapasabog ng boga.