TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 144 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19 matapos makapagtala ng limang bagong namatay sa rehiyon dos.

Batay sa datos ng Department Of Health (DOH)-R02, tatlo sa limang bagong namatay ay galing sa Isabela at dalawa sa Nueva Vizcaya.

Nakapagtala naman ng 43 na bagong kumpirmardong kaso ng sakit kung kaya’t umabot na sa 631 ang aktibong kaso ng virus.

Pinakamarami sa may naitalang aktibo ay sa probinsya ng Isabela na 372 sinundan ng Cagayan na 179, Santiago City na 52, Nueva vizcaya na 17 at Quirino na 11.

Umabot na rin sa 7,047 ang mga nakarekober sa rehiyon matapos makapagtala ng 99 na bagong gumaling mula sa nakamamatay na sakit.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa 7,829 na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmado o nahawaan ng nasabing covid-19 sa rehiyon dos.