TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 70 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa region 2 matapos makapagtala ng dalawang bagong namatay dahil sa virus na mula sa Isabela.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-R02, mula sa nasabing bilang 27 ay mula sa Isabela, 23 sa Nueva Vizcaya, 19 sa Cagayan at isa sa Santiago City.
Nasa 32 naman ang bagong kaso ng virus kung saan 19 ay mula sa Isabela, anim sa Cagayan, lima sa Santiago City at dalawa sa Nueva vizcaya.
Dahil dito, umabot na sa 4,391 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng covid-19.
Ang aktibong kaso ng virus ay 549 kung saan 66. 48 percent ay asymtomatic, 30.60 percent ang mild, 2.50 ang severe at 0.36 percent ang nasa critical condition.
Lumaki naman ang bilang ng mga bagong nakarekober na umabot sa 70 kung kaya’t nasa 3,772 na ang bilang ng mga nakarekober mula sa virus sa rehiyon.