Umaabot na sa 158 na katao ang namatay sa pinakamatinding pagbaha sa Spain kasabay ng pagkukumahog ng mga rescuers na maghanap ng survivors.
Itinalaga ang mahigit 1,200 workers, sa tulong ng drones ang itinalaga sa rescue mission sa gitna ng banta sa ibang lugar ng patuloy na mga pag-ulan.
Sinabi ni Prime Minister Pedro Sanchez, na ang pinakamahalaga ngayon ay makapagligtas ng maraming buhay.
Subalit sa ilang bayan na matinding naapektohan ng pagbaha noong Martes, patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga residente ng mga katawan sa putik at mga guho.
Nasa 155 ang naitalang namatay sa Valencia, dalawa sa Castilla-La Mancha, at ang isa ay isang lalaking Briton sa Andalusia.
-- ADVERTISEMENT --