Tuguegarao City- Tumaas ang bilang ng mga lumalabag sa ipinatutupad na mga alituntunin sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) kumpara noong ipatupad ang ECQ sa lalawigan ng Cagayan.
Sa huling tala ng PNP Cagayan, nasa 211 lamang ang mga nahuling violators mula ng ipatupad ang ECQ habang nasa 1,050 sa ilalim ng GCQ mula lamang noong Mayo 1 hanggang kahapon (May 24).
Sa panayam kay PLT Majelly Gallardo, dahil ito sa lalong pinahigpit na monitoring at pagpapatupad ng mga batas na kailangang sundin upang labanan ang banta ng COVID-19.
Sinabi pa nito na kabilang sa top 3 na may pinakamaraming violators ay ang lungsod ng Tuguegarao na sinundan naman ng Tuao at bayan ng Baggao.
Ayon pa sa kanya, mayroong 30 na mga bagong augmented police personnel ang PNP sa na galing sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon upang tumulong pa sa pagbabantay upang maiwasan pa rin ang pagkalat ng virus.
Muli ay hinikayat naman nito ang publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na hakbang partikular ang pagpapanaili ng physical Distancing at pagsusuot ng facemask.