Umakyat na sa 42 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok sa lambak ng Cagayan.
Sa inisyal na datos, sinabi ni Pauline Atal ng Department of Health (DOH) Region II na mas mataas ang kaso ngayon ng naputukan simula Dec 21, 2019 hanggang January 2, 2020 na nasa 40 percent kumpara noong 2018 na 30% lamang.
Karamihan pa rin sa mga sanhi ng firecrackers-related injuries ang luces, kwitis, fountain, piccolo at boga.
Sa nasabing bilang ng naputukan, 23 o 55% dito ang lalaki mula edad 4 taong gulang hanggang 81 taong gulang habang ang higit na apektado ay mga edad 21-25 anyos o katumbas ng 8.15%
Naitala ang may pinakamataas na insidente sa 15 kaso ng naputukan sa lalawigan ng Cagayan kung saan 9 dito ay mula sa Tuguegarao City.
Wala namang naitalang kaso ng ligaw na bala o stray bullet gayundin ang fireworks ingestion.
Wala ring naitalang nasawi dahil sa paputok ngunit karamihang firecrackers-related injuries ay pagkasugat sa kamay at mata.
Samantala, kinumpirma ng Cabarroguis-PNP na may isa ng naputukan ng firecracker sa lalawigan ng Quirino na nasabugan ng whistle bomb at nagtamo ng mainor injury sa kanyang mga daliri.
Napanatili naman ang zero firecracker-related injuries sa lalawigan ng Batanes kung saan matatapos ang monitoring ng DOH sa January 5.