
Umabot na sa 920 ang bilang ng mga nasawi sa dalawang malakas na lindol na tumama sa Venezuela.
Ayon sa United Nations, mahigit 50,000 katao ang nawawala matapos yanigin ng magnitude 7.2 at 7.5 na lindol ang hilagang bahagi ng bansa.
Ang La Guaira, malapit sa kabiserang Caracas, ang pinakamalubhang naapektuhan kung saan maraming gusali ang gumuho.
Maraming pamilya ang naghuhukay gamit ang kanilang mga kamay dahil sa kakulangan ng makinarya at tulong mula sa gobyerno.
Dumating na ang mga rescue team mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Spain, Mexico, Colombia, at Switzerland.
Nagpadala rin ang Estados Unidos ng $150 milyon na tulong, dalawang warship, at pansamantalang sinuspinde ang mga economic sanction laban sa Venezuela.
Kabilang sa mga nasawi ang siyam na Portuguese, limang Espanyol, dalawang Brazilian, dalawang Chinese, at isang Italian-Venezuelan.
Ito na ang pinakamalakas na lindol sa Venezuela mula pa noong 1900.










