Patuloy na minomonitor ng state weather bureau sa LPA sa silangang bahagi ng Mindanao.
Huling namataan ito sa layong 255 km east southeast of Surigao City, Surigao del Norte.
Dala nito ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, and Davao Region na posibleng maging dahilan ng flash flood o landslide.
Apektado rin nito ang bahagi ng Metro Manila, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Cavite, Batangas, Bataan, at Occidental Mindoro kaya posibleng magkaroon ng katamtaman hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.
Hindi naman inaalis ng weather bureau ang posibilidad na maging ganap na bagyo ito.
Sakali mang mag-develop bilang isang sama ng panahon – tatawagin itong Bagyong Butchoy – ang ikalawa pa lang na bagyo sa taong 2024.
Sa ngayon, mas mataas pa rin ang tiyansa na manatili ito bilang isang LPA sa mga susunod na araw.
Sa kabila niyan – Southwest Monsoon pa rin ang nakakaapekto sa western sections ng Southern Luzon, at Mindanao.
Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Palawan dahil sa southwest monsoon.