TUGUEGARAO CITY-Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa pamamaril sa isang binata ng riding-in tandem sa Solana,Cagayan.
Sinabi ni Police Capt. Junjun Dayag, hepe ng PNP Solana, sa kanilang imbestigasyon,may dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at naka-helmet ang lumapit sa biktima na si JR Dayag at tinanong siya kung kilala niya si Edward Simanga.
Sumagot naman ang biktima na hindi niya kilala ang kanilang hinahanap at iniwan ang mga suspek.
Subalit,sinundan umano siya ng mga suspek at dito na siya binaril sa kanyang dibdib.
Nakatakbo pa umano ang biktima sa bahay ng kanyang tiyuhin subalit kalaunan ay binawian din ng buhay.
Sinabi pa ni Balisi na nagtatrabaho sa isang Edward Mabborang ang biktima.
Ayon
kay Balisi, si Mabborang ay sumuko sa oplan tokang ng PNP.
Dahil dito, sinabi ni Balisi na inaalam na nila ang motibo sa pamamaril sa biktima na tubong Allacapan,Cagayan.