Patuloy ang paghahanap ng Estados Unidos sa nawawalang crew member matapos pabagsakin ang isang US warplane sa timog Iran. Ang nawawala ay isang weapon systems officer na sakay ng F-15 fighter jet, habang ang piloto nito ay nailigtas na.

Ayon sa mga ulat, hindi pa tiyak ang kalagayan ng nawawalang airman. Kasabay nito, nagsasagawa rin ng paghahanap ang mga puwersa ng Iran at hinihikayat ang kanilang mamamayan na tumulong sa paghahanap kapalit ng pabuya kung mahuhuli ito nang buhay.

Iniulat din ng Iran na nakapagpabagsak umano ito ng isa pang US warplane sa Persian Gulf. Gayunman, ayon sa US media, isang A-10 Warthog ang pinaputukan habang nagsasagawa ng rescue mission.

Ang piloto ng naturang eroplano ay nakapag-eject at kalaunan ay nailigtas, habang nagpapatuloy ang tensyon at operasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

-- ADVERTISEMENT --