TUGUEGARAO CITY-Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang binatilyo na may problema sa pag-iisip matapos mahit and run sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.
Ayon kay Police Captain Reymund Baggayan , hepe ng PNP, isang driver umano ng pampasaherong van na kinilala lamang sa pangalang Jerry ang napadaan sa lugar ng insidente ang nakakita sa biktima na si Rogelio Odispo, 16-anyos na nakahiga sa gitna ng daan at sugatan.
Agad namang rumesponde ang kapulisan sa pangyayari matapos ipagbigay alam sakanilang himpilan ni Jerry.
Nabatid na umalis ang biktima sakanilang tahanan na hindi nagpapaalam sa mga magulang at napunta sa kalapit na barangay kung saan nangyari ang insidente.
Sa ngayon ,nananatiling nasa pagamutan ang biktima habang patuloy na pinaghahanap ng kapulisan ang suspek.