Ipinakilala na ng Department of Tourism (DOT) bilang bagong tourism ambassador ng Pilipinas ang P-pop girl group na BINI.

Ayon kay DOT Secretary Dita Angara-Mathay, ang grupo ay higit pa sa pagiging tourism ambassador dahil mismong kinakatawan ng mga ito ang Pilipinas.

Sa kanilang courtesy visit sa central office ng ahensya sa Makati City, natalakay ang inaasahang mga partnerships na susuporta sa mga hakbang ng tanggapan upang maisulong ang bansa bilang premier travel destination.

Mababatid na kamakailan ay ipinamalas ng grupo ang galing ng mga Pilipino sa international stage sa Coachella Valley Music and Arts Festival.

Dahil dito, lalo pang dumami ang nagmahal, at naging tagahanga ng BINI mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala ang tourism department na makatutulong ang global appeal ng BINI sa pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas, at pagpapakilala ng angking ganda ng bansa sa mga local at international travelers.