Naniniwala ang Department of Tourism na magiging daan ang makasaysayang paglalayag ng mamamayan ng Lanyu o Orchid Island ng Taiwan patungong Batanes gamit ang traditional na bangaka upang mas makilala pa ang isla at buong Pilipinas.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Region 2 Director Troy Miano, ang muling pagbuhay sa ugnayan ng mga “Tao people” ng Taiwan at “Ivatan” ng Batanes makalipas ang 300-taon ay makatutulong para sa mas malawak na kolaborasyon sa turismo, ekonomiya, student exchange, at cultural exchange.

Aniya, ang wikang ginagamit ng mga taga-Lanyu ay halos kapareho sa wikang Ivatan, na nagpapatunay ng iisang lahi at may malalim na koneksyon ang dalawang isla bago pa man dumating ang mga Kastila.

Ang pagdating ng mga Tao people ay itinapat sa Batanes Day upang masaksihan at makalahok sila sa ibat-ibang aktibidad na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan.

Binanggit din ni Miano ang direktiba ng kalihim ng DOT na palakasin ang ugnayan para sa tourism exchanges sa bansang Taiwan, Singapore at China sa kabila ng mga geopolitical issues.

-- ADVERTISEMENT --

Pangmatagalan anila ang programang ito para sa pagpapakilala hindi lamang ng Batanes kundi ng buong Northern Luzon sa mga bisita.