
Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nag-isyu ito ng Letter of Authority o LOA para imbestigahan ang Cale88 Foods Corporation, isa sa mga negosyong nakalista sa pangalan ni Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte.
Kinumpirma ito ni BIR official Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez sa ika-37 araw ng impeachment trial noong Oktubre 9, kasunod ng pagkakaiba ng P208 milyon na idineklarang benta ng kumpanya sa BIR at P700 milyong remittance na natukoy ng Anti-Money Laundering Council.
Ayon sa opisyal, dapat nakatala sa audited financial statements ang lahat ng perang pumapasok sa kumpanya. Kung mapatunayang kulang ang idineklarang benta, maaari itong pagbayarin ng deficiency taxes at posibleng humarap sa kasong kriminal kung mapatunayang may tax evasion.
Nauna nang sinabi ng BIR na wala itong rekord ng paglilipat ng shares ng Cale88 sa Pikimong Pikimong Corporation.










