TUGUEGARAO CITY-Hinikayat ng Bureau of Internal Revenue (BIR)ang lahat ng mga tax payers na mag-file na ng kanilang mga 2018 income tax returns dahil huling araw na nito sa April 15, 2019.

Sa panayam Clavelina Nacar,director ng BIR Region III , wala na umanong gagawing extension ang kanilang ahensiya sa filing ng income tax returns.

Ayon kay Nacar, bukas ang kanilang tanggapan ngayong araw ng Sabado para tumanggap ng mga magbabayad.

Binalaan rin ng director na maaring ipasara ang isang establishimento na bigong makapagbayad ng kanyang tax.

Kaugnay nito, sinabi ni Nacar na nasa P1.596bilyon ang kanilang target collection ngayong taon

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Nacar na patuloy ang kanilang pagbisita sa mga bayan sa Cagayan para ipagbigay alam ang mga dapat gawin ng isang tax payer at para ipaliwanag kung saan napupunta ang mga binabayarang buwis

Aniya, nasa 20 bayan na ang kanilang natapos at siyam na lamang ang kanilang tatapusin bago matapos ang kasalukuyang buwan.