Pansamantalang sinuspinde ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operasyon ng Tuguegarao City airport sa Cagayan at Cauayan City airport sa Isabela bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyong Kristine.
Ayon kay CAAP Area Center 2 Manager Mary Sulyn Sagorsor, simula bukas, October 23 hanggang sa Huwebes, October 24 ay kanselado ang mga flights papasok at palabas ng Tuguegarao City airport at Cauayan City airport.
Kinabibilangan ito ng mga commercial flights ng Cebu Pacific at Philippine Airlines kabilang na ang Sky Pasada na patungo naman sa mga coastal municipalities.
Dahil dito, pinayuhan ni Sagorsor ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund ng kanilang biyahe.