Inilipat sa Philippine General Hospital o PGH si dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez para sa independent medical assessment kaugnay ng kaniyang kalagayan matapos maaresto.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera, wala silang namonitor na anumang banta sa seguridad kasunod ng paglipat kay Romualdez sa PGH.

Sinabi ni Bustinera na nakahanda ang BJMP sa anumang posibleng insidente, kabilang ang mga sasakyan at tauhan, at makikipag-ugnayan sa Philippine National Police o PNP at lokal na pulisya para sa seguridad sa ospital.

Ilang security personnel din ang idineploy sa PGH dahil sa mga naitalang insidente ng pagtakas sa nakaraan.

Samantala, nakadepende pa rin sa resulta ng medical assessment kung kakailanganing manatili sa ospital si Romualdez o ilipat sa Quezon City Jail.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa 3,200 persons deprived of liberty o PDL ang nakadetine sa Quezon City Jail, na may maximum capacity na 4,300.