Huminto ang pag-rekord ng flight data at cockpit voice records ng eroplano ng Jeju Air na nag-crash noong Disyembre 29, apat na minuto bago ito tumama sa konkretong istruktura sa Muan airport ng South Korea.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang trahedya na kumitil sa buhay ng 179 katao.
Inaalam na kung ano ang dahilan kung bakit huminto ang pag-rekord ng black box ng eroplano.
Ang voice recorder ay unang inanalisa sa South Korea, at nang makitang may mga nawawalang datos ay ipinadala ito sa US National Transportation Safety Board laboratory.
Dinala sa US ang damaged flight data recorder para sa analysis sa pakikipagtulungan ng US safety regulator.
Ilan sa mga itinuturong dahilan ng pagbagsak ng Jeju Air 7C2216 ay bird strike at nagdeklara ng emergency apat na minuto bago ito mag-crash.