
Itinaas na ang alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (NDRRMOC) sa Blue Alert simula alas-8 ng umaga ng November 12, bilang paghahanda sa 49th ASEAN Leaders’ Summit na gaganapin sa bansa simula November 16 hanggang 18.
Sa memorandum na inilabas ng ahensya, layunin ng hakbang na mas tutukan ang mga posibleng banta sa panahon ng summit na dadaluhan ng mga leaders ng mga bansang ASEAN at iba pang delegado.
Ang mga Detailed Duty Officers (DDOs) mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP) ay inatasan na magduty sa NDRRMC Operations Centers.Bumili ng Globo
I-a-activate din ang virtual Emergency Operations Center para sa mabilis na koordinasyon habang inatasan ang mga regional DRRM councils na magsagawa ng risk assessment at ihanda ang mga tauhan, kagamitan at relief supplies para sa posibleng emergency.










