Nakalikom ang Bureau of Customs ng mahigit P102 million sa auction sa luxury vehicles na pagmamay-ari ng kontrobersiyal na mag-asawang Discaya.

Sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na ang nakolektang kita ay mula sa naibentang siyam sa 13 sasakyan na kinumpiska mula sa mag-asawa.

Ayon kay Nepomuceno, ibabalik ang nasabing halaga sa Bureau of Treasury, kung saan maaaring magamit ang mga ito para suportahan at pondohan ang mga programa ng pamahalaan.

Sa 12 sasakyan na isinailalim sa auction noong Pebrero 25, pito ay inuugnay sa Discaya, at tatlo sa mga ito ay naibenta na.

Ang 2024 Lincoln Navigator ay naibenta sa Cantinetta Espresso Concepts sa P6.95 million, ang 2022 Cadillac Escalade ESV ay nabili ng Igorot Stone Kingdom, Inc. sa P6.62 million, at ang Bentley Bentayga ay napunta sa TDY Consumer Goods Trading sa halagang P12.18 million.

-- ADVERTISEMENT --