Naging social media sensation sa Egypt ang isang bodyguard dahil sa kanyang malalaking braso at hindim pantay sa kanyang maliit na ulo.

Napansin ng mga dumalona celebrities at public figures sa lamay ng ina ng Egyptian singer nasi Reda El Bahrawy, ang lalaki na may malalaking biceps at balikat.

Ang misteryosong lalaki ay nabatid na bodyguard ni Sabry Nakhnoukh, isang kontrobersiyal na Egyptian businessman, na dumalo sa lamay.

Si Nakhnoukh ang madalas na sentro ng atensiyon, subalit sa nasabing pagkakataon, nasapawan siya ng kanyang bodyguard.

Marami ang napalingon sa lalaki dahil sa kanyang malalaking muscles at maliit na ulo.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat marami ang pumuri sa itsura ng lalaki, may ilan din ang natuwa dahil sa hindi pantay ang malalaki niyang braso sa ibang bahagi ng kanyang katawan lalo na ang kanyang ulo.

May ilang nagsabi na puno ng synthol ang kanyang mga muscle dahil imposible na ganon na lang kalaki ang mga ito.