Kampante ang Meralco Bolts na tatalunin ang San Miguel Beermen sa Game 6 ng Season 48 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum, nga­yong alas-6:15 ng gabi.

Una rito, hindi inakala na mauungusan ng Meralco ang isang powerhouse team na kagaya ng San Miguel Beer sa isang championship series.

Tangan ang 3-2 lead sa kanilang best-of-seven titular showdown ng Beermen, abot-kamay na ng Bolts ang pag­kopo sa kauna-unahang PBA crown sapul nang pu­masok sa liga noong taong 2010.

Inagaw ng Bolts ang nasabing bentahe sa serye ma­­tapos itakas ang dramatikong 92-88 panalo kontra sa Beermen sa Game Five noong Biyernes.

Nabalewala naman ang hinakot na 38 points at 18 rebounds ni seven-time PBA MVP at 10-time Best Player of the Conference June Mar Fajardo para sa SMB.

-- ADVERTISEMENT --

Sa pangunguna ng 6-foot-10 na si Fajardo ay nakabangon ang Beermen mula sa 0-3 deficit sa Alaska Aces sa PBA Finals para pagharian ang 2016 Philippine Cup.

Inaasahan ni Bolts’ head coach Luigi Trillo na mas magiging pisikal ang bakbakan.

Nauna nang nabigo ang Meralco sa karibal na Barangay Ginebra ni coach Tim Cone sa nakaraang Season 41, Season 42, Season 44 at Season 46 Governors Cup Finals.